Kauna-unahang Philippine Energy Independence Council, inilunsad

IMINUMUNGKAHI ng bagong tatag na Philippine Energy Independence Council ng bansa, na kailangan nang limitahan ng Pilipinas ang import nito sa enerhiya, bukod kasi sa malaki ang ginagastos ng bansa, nasasayang din ang mga nakatiwangwang na energy resources dito.

Gaya ng gas, oil, geothermal, wind at solar na ‘di hamak na may malawak na pagkukunan ang bansa at hindi pa ito nauubos.

Ayon mismo sa chairman ng PEIC na si Tony La Vina, panahon na aniya na gamitin ng bansa ang mga natural resources sa pamamagitan ng pagpapaigting ng polisiya para tuluyan nang mapakonabangan ang paggamit ng energy resources ng bansa.

Katuwang dito ang pagbuo ng nararapat na panukalang batas na tutukoy sa pagtugon sa mataas na pangangailangan ng bansa sa enerhiya na hindi gumagastos ng malaki.

Batid ni La Vina na hindi.magiging madali ito para kumalas sa pag-angkat ng enerhiya sa ibang bansa, pero kailangan na aniya itong simulan ngayon sa tulong ng mga ahensiya ng bansa para lalo pang mapakinabangan ang mga natural na yaman ng Pilipinas.

Ilan sa mga tukoy na lugar na sinasabing may mataas na suplay ng ibat-ibang energy source ang rehiyon ng Mindanao at Kabisayaan.

Dahil dito, ikinababahala pa ng konseho na lalo pang lalaki ang gastos ng bansa dahil sa tumataas na bilang ng populasyon ng Pilipinas katumbas nito ang mataas din na demand sa kuryente.

Matatandaang sinabi noong ng dating Energy Secretary Jericho Petilla na hanggang 2024 nalang tatagal ang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng kuryente sa Malampaya.

Sa huli, naniniwala ang konseho sa tuloy-tuloy na pakikipag ugnayan nito sa iba pang pribadong sektor sa bansa ay unti-unting makakalaya ang Pilipinas sa pag-angkat ng kuryente kapalit ang mababang bayarin sa mga susunod na panahon.

Nauna nang naitala ang bansa na may pinakamataas na singil sa kuryente na dahilan sa mabagal na pagpasok ng foreign investment sa bansa.


Read more at: https://www.smninewschannel.com/kauna-unahang-philippine-energy-independence-council-inilunsad/