Jasmine Curtis-Smith is now an ambassador for energy independence

Si Jasmine Curtis-Smith ang napiling youth ambassador ng bagong tatag na Philippine Energy Independence Council (PEIC).

Ipinakilala ang Kapuso actress bilang youth ambassador ng PEIC sa launch ng council sa Powertrends 2019: The 14th International Exhibition and Conference on Directions for Energy, Power and Electricity.

Ang conference ay idinaos sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong Martes, September 3.

Nang araw ring iyon ay ipinost ni Jasmine, 25, sa kanyang Instagram Stories ang mga litrato sa event.

Ngayong Miyerkules, September 4, ipinost naman ni Jasmine sa Instagram ang backgrounder at mga detalye tungkol sa bago niyang tungkulin bilang youth ambassadress ng PEIC.

Sa bungad ng caption, ipinakilala ni Jasmine ang sarili bilang “Youth Ambassador for the Philippine Energy Independence Council.”

Ipinaliwanag ni Jasmine ang vision ng PEIC, na itinatag ng grupo ng mga energy advocates.

“There are still 16 million Filipinos going withouth reliable electricity and this is due to lack of access as well as a surge in power costs due to imports of fuel.

“Imagine if we could source our own energy right here from our very own home?

“From solar, wind, hydro, geothermal, and natural gas… all of which we already have.”

Ayon kay Jasmine, tungkulin niyang magkaroon ng kamulatan at engagement ang kabataan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng renewable energy sources sa bansa para sa sapat na supply ng kuryente.

“Here to lead and begin progressive and positive discourse among the youth to create awareness, empower our knowledge and hopefully inspire our lawmakers and big game players to star investing in our indigenous energy.

“WE HAVE THE POWER.

“Let’s tap into that power and achieve our very own energy independence. (lightning emoji) #JCSAdvocacy.”

JASMINE ONCE APPEALED FOR PROPER GARBAGE DISPOSAL

Inilarawan ang sarili sa kanyang Instagram bio bilang “Actress & Advocate”, matatandaang minsan nang nanawagan si Jasmine ng disiplina sa pagpapanatiling malinis ang mga dagat at baybayin.

July ngayong taon nang sa pamamagitan ng isang Instagram post ay umapela si Jasmine sa kanyang fans laban sa pagtatapon ng basura sa dalampasigan.

Sa litrato sa post, makikita si Jasmine habang hawak ang sari-saring basura na napulot niya sa baybayin ng Culion sa Palawan.

Nang mga panahong iyon, ginagawa ni Jasmine ang pelikulang Culion.

Sa ngayon, abala si Jasmine sa taping ng GMA-7 adaptation sa Korean series na Descendants of the Sun (DOTS).

Isasabay ng aktres sa taping ng DOTS ang paglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa bilang millennial ambassadress ng PEIC, na magsasagawa ng roadshows at talks.

Tututukan ng PEIC ang pagkakaroon ng tuluy-tuloy na supply ng kuryente sa pamamagitan ng mga bago at renewable energy sources, kaisa ang kabataan, mga komunidad, at mga local at government officials.

Ipinakilala si Jasmine bilang youth ambassadress ng PEIC isang araw makaraang manumpa sa tungkulin ang 29-anyos na boyfriend niyang si Jeff Ortega bilang regional director for tourism ng Department of Tourism-National Capital Region (DOT-NCR) nitong Lunes, September 2.


Read more at: https://www.pep.ph/news/local/145812/jasmine-curtis-smith-renewable-energy-ambassadress-a4437-20190904?ref=article_tag